dzme1530.ph

BOC, nilinaw ang usapin kaugnay sa mga smuggled na asukal na ibebenta sa Kadiwa

Nagtataka ang mga kritiko ng pamahalaan kung bakit kailangan pang magbayad sa mga nakumpiskang smuggled na asukal na ilalagay sa mga Kadiwa.

Sa panayam ng DZME1530, sinabi ni Jett Maronilla ng Bureau of Custom, bagamat donasyon ang mga asukal na naharang ng BOC, marami pa rin aniya itong dapat bayaran kaya halos hindi nalalayo ang presyo nito sa merkado.

Nasa halos 100 container ang nakumpiska ng ahensya at marami aniya silang hindi nabibilang kaya natitiyak na dederetso na ito sa mga Kadiwang mayroon sa bansa.

About The Author