Naghahanda ang Bureau of Customs para sa pagpapatibay ng Trade at Investment sa pagitan ng Pilipinas at Europe sa pamamagitan ng mas epektibong mga transaksyon.
Sinabi ng BOC na pumasok ito sa partnership kasama ang European Union-ASEAN Business Council at European Chamber of Commerce of the Philippines.
Ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio, ang collaboration ay patunay ng malaking progreso para mapagtibay ang economic ties sa European businesses.
Sa pamamagitan aniya ng pagpapalakas sa Modernization Program ng BOC at pagpapadali sa mga proseso ay target nilang makalikha ng pulido at epektibong trade environment na pakikinabangan ng magkabilang partido. —sa panulat ni Lea Soriano