Naabot na ng dalawang main investment promotion agencies ng bansa – ang Board of Investments (BOI) at Philippine Economic Zone Authority (PEZA), ang mahigit 70% ng kanilang 2023 investment targets.
Ayon sa BOI, hanggang noong katapusan ng Agosto ay umabot na sa P720-B ang inaprubahan nilang investments, na kumakatawan sa 72% ng kanilang original na P1-Trillion investment target.
Samantala, nakapagtala naman ang PEZA ng investments sa pagitan ng January 1 hanggang Sept. 7 sa P111.21-B, halos tatlong beses na mas malaki sa P39.63-B noong nakaraang taon.
Kumakatawan din ito sa 72% ng kanilang P154.77-B investment target ngayong 2023. —sa panulat ni Lea Soriano