dzme1530.ph

Blue Alert status inilatag na sa lokal na pamahalaan ng Maynila kaugnay ng binabantayang bagyong #BettyPH

Patuloy na nasa category na Blue Alert status o Hightened Alert na ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila.

Ito’y sa ilalim ng kautusan ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan sa pamamagitan ng Pre-Disaster Risk Assessment katuwang ang MDRRMO council ng Lungsod.

Ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Mayor Honey Lacuna-Pangan, handa na rin ang mga Emergency and Disaster Agencies at preparado maging ang lahat ng Emergency and Disaster Equipment, at Possible Evacuation Centers, and food boxes para sa mga maapektuhan naman ng kalamidad.

Magdedeploy din ang Manila LGU ng mga otoridad sa mga lugar na malapit sa baybayin o coastal area ng dagat gaya ng Baseco at iba pa.

Giit pa ni Atty. Abante, Bagama’t hindi man direktang tatamaan ang Lungsod ng Maynila, tinalakay pa rin dito ang mga posibleng epekto sa lungsod, kasabay ng pagbuo ng naaangkop na aksyong pagtugon sa paparating na sama ng panahon. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author