dzme1530.ph

Bloodless anti-drug campaign ng Marcos admin, hindi babaguhin

Hindi babaguhin ng Administrasyong Marcos ang bloodless anti-illegal drugs campaign, sa kabila ng nasabat na record-high P13.3-B na halaga ng shabu sa Batangas.

Sa media interview sa pag-iinspeksyon sa nasamsam na droga sa Alitagtag, ipinagmalaki ng Pangulo na bagamat ito ang nahuling pinaka-malaking shipment ng shabu, wala ni isang indibidwal ang napatay, walang nasaktan, at walang nangyaring putukan.

Iginiit ng Pangulo na ito ang pinaka-nararapat at pinaka-mabisang diskarte sa paglaban sa iligal na droga, kaya’t hindi niya ito babaguhin.

Sa kabila nito, tiniyak ng Pangulo ang patuloy na pagtugis sa mga sindikato ng droga at nangako rin ito na walang kikilalanin sa imbestigasyon sa drug shipment, kahit pa makita na ang mga kasabwat dito ay mga makapangyarihang pulitiko o pulis.

Mababatid na libu-libong drug suspects ang napaslang sa madugong War on Drugs ng predecessor ni Marcos na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

About The Author