dzme1530.ph

Black boxes ng bumagsak na eroplano sa Nepal, narekober na

Nakuha na ng search teams ang Flight Data at Cockpit Voice Recorders ng Yeti Airlines Passenger Plane na bumagsak sa bangin sa Pokhara City sa Nepal na ikinasawi ng animnapu’t walong katao at itinuturing na Deadliest Air Disaster sa bansa.

Gayunman, sinabi ng Police Chief ng Pokhara na hindi pa rin natatagpuan ang katawan ng apat pang nawawala matapos mag-crash ang eroplano noong linggo.

Lulan ng nadisgrasyang eroplano ang 72 pasahero kabilang ang apat na crew members.

Ayon sa atoridad, dinala sa local hospital ang lahat ng animnapu’t walong bangkay na narekober para sa post-mortem, at tatlumpu’t isa sa kanila ay nakilala na.

Galing ang ATR 72-500 turboprop aircraft sa kabisera na Kathmandu patungong Pokhara nang bumagsak ito sa bangin sa Seti River malapit sa Pokhara International Airport.

About The Author