dzme1530.ph

Biyuda ni Gov. Degamo, tiwalang solido ang kanilang kaso

Nauunawaan naman ng biyuda ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo kung bakit natagalan bago naisampa ng National Bureau of Investigation ang Murder charges laban kay suspended Cong. Arnolfo “Arnie” Teves Jr.

Sinabi ni Pamplona Mayor Janice Degamo na natagalan dahil tiniyak muna na well-polished o  pulido at matibay ang mga ebidensya para maipanalo nila ang kaso.

Samantala, naniniwala rin ang Alkalde na hindi babalik nang kusang loob sa Pilipinas si Teves, sa kabila nang naunang inihayag ni Justice sec. Jesus Crispin Remulla na may ticket na pabalik ng bansa ang suspendidong mambabatas.

Inamin ni Ginang Degamo na kahit sinabi ni Remulla na galing ang impormasyon sa isang reliable source ay nararamdaman niya na ayaw talagang umuwi ni Teves. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author