dzme1530.ph

BIR, nalagpasan ang kanilang collection target sa unang 5 buwan ng taon

Nalagpasan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kanilang collection goal para sa buwan ng Enero hanggang Mayo sa tulong ng tax enforcement initiatives.

Ayon sa BIR, nakakolekta sila ng P1.056-T sa unang limang buwan ng taon, lagpas ng P1.331-B sa kanilang collection target para sa naturang panahon.

Mas mataas din ang January to May 2023 collection ng 9.94% o P95.454-B kumpara sa nakolekta sa kaparehong panahon noong 2022.

Ngayong 2023 ay itinakda sa P2.599-T ang collection target ng BIR, mas mataas ng 10.95% o P256.444-B kumpara sa actual collection noong nakaraang taon. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author