Umabot sa P273.134-B ang nakolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR) noong Hulyo.
Lagpas ito ng 5.09% o P13.224-B sa kanilang collection target para sa naturang buwan.
Ayon sa BIR, mas mataas din ang kanilang july collection ng 38.37% o P75.744-B kumpara sa kanilang nakolekta sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Simula Enero hanggang Hulyo, naka-kolekta na ang ahensya ng kabuuang P1.492-T na mataas ng 12.21% o P162.404-B sa kaparehong panahon noong 2022.
Ngayong 2023 ay target ng BIR na kumolekta ng P2.639-T. —sa panulat ni Lea Soriano