dzme1530.ph

BIR, inalis na ang registration fee para sa business taxpayers

Inanunsyo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na ibinasura na nila ang annual registration fee (ARF) na binabayaran ng business taxpayers.

Sa advisory na nilagdaan ni BIR Commissioner Romeo Lumagui, hindi na obligado ang mga business taxpayer na magbayad ng P500 na ARF simula sa Jan. 22.

Ayon sa BIR, ang hakbang ay alinsunod sa Republic Act no. 11976 o “Ease of Paying Taxes Act” na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Jan. 5. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author