Kinondena ni Kabayan Cong. Ron Salo si dating presidential spokesman Harry Roque sa bintang nito na pinupulitika ng Kamara ang hinihinging confidential funds ni VP Sara Duterte.
Ayon kay Salo, ang paratang ni Roque laban sa Kongreso ay walang basehan at balot ng kaipokretohan dahil naging bahagi rin siya ng institusyon.
Kinuwestiyon ni Salo ang kredibilidad ni Roque na dating kinatawan ng Kabayan Partylist subalit nasibak dahil sa imbestigasyong ginawa nito sa Kamara kaugnay sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison noong 2017.
Aniya, kabalintunaan na ang isang Harry Roque na may ganyan klaseng pagkatao ay mangangaral sa Kongreso sa isyung politikal.
Tinawag ni Salo na ‘highly inappropriate at baseless’ ang paandar ni Roque na mas dapat bantayan ng taumbayan ang extraordinary at miscellaneous expenses kumpara sa confidential funds. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News