Ganap nang bagyo ang low pressure area (LPA) na namataan ng PAGASA sa silangang bahagi ng Northern Luzon.
Ayon sa PAGASA, namataan si bagyong Goring sa layong 400 kilometers silangan hilagang-silangan ng Aparri, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pa-kanluran, hilagang kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.
Dahil dito asahan na ang maulap na kalangitan na may pag-ulan sa Cagayan Valley Region gayundin sa Cordillera.
Hindi rin inaalis ng PAGASA ang posibilidad na maging isang typhoon category ang bagyo sa araw ng linggo.