dzme1530.ph

Bilateral Marine-Aviation Exercise ng Pilipinas at Amerika, umarangkada na

Umarangkada na ang bilateral training ng mga sundalong Pilipino at US Marine Corps para sa aviation-related capabilities bilang bahagi ng pagpapalakas sa mutual defense ng Pilipinas at Amerika.

Sa pamamagitan ng Marine Aviation Support Activity (MASA) 2023, sasanayin ang mga sundalo mula sa Philippine Navy, Philippine Air Force at United States Armed Forces sa pagsasagawa ng Aviation-supported operations.

Magtatagal hanggang sa July 21 ang training na gaganapin sa iba’t ibang lugar sa Luzon at Visayas.

Ang MASA 2023 ay kinapapalooban ng live fire drills, bilateral air assaults, airfield seizures, joint operations para sa arming at refueling, at iba pang uri ng aviation support activities. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author