Nakatakdang tumulak patungong India si DFA Sec. Enrique Manalo sa pagtatapos ng buwang ito.
Ito’y para dumalo sa gagawing Philippines-India Joint Commission on Bilateral Cooperation sa New Delhi sa Huwebes, June 29.
Ang JCBC ay isinasagawa tuwing 2 taon na naglalayong palalimin at paigtingin pa ang kooperasyon ng Pilipinas at India sa iba’t ibang larangan.
2020 nang maghost ang Pilipinas ng nasabing Bilateral meeting pero dahil sa COVID 19 pandemic ay ginawa itong virtual bilang pag iingat.
Kasama rin ng kalihim sa biyahe nito ang delegasyon ng Pilipinas na kinabibangan ng mga opisyal ng Department of Finance, Philippine Space Agency, National Intelligence Coordinating Agency, at Philippine Overseas Construction Board ng Department of Trade and Industry. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News