dzme1530.ph

Bilang ng populasyong naapektuhan ng bagyong #EgayPH, nadagdagan matapos itong lumisan

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pamilyang naapektohan ng bagyong si Egay matapos na ito lumisan sa bansa.

Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, umakyat na ito sa 328,356 indibidwal o 89,639 pamilya.

Pinakamarami sa mga pamilyang naapektuhan nito ayon sa NDRRMC ay mula sa 90 barangay sa Central Luzon na may kabuoang 61,353 pamilya o katumbas ng 221,527 na indibidwal.

Gayunpaman, tiniyak ni NDRRMC Spokesperson Director Edgar Posadas sa panayam ng DZME 1530-Radyo Uno kanina na walang apektadong pamilya ang mapapabayaan.

Panahon pa aniya ng nagdaang bagyo na si Dodong ay nakahanda na ang mga relief packs na ipapamahagi sa mga maaapektohan ng kalamidad. —sa panulat ni Ronnie Ramos

About The Author