Dumami pa ang bilang ng mga sasakyang dumaraan sa EDSA ngayon kumpara noong bago magpandemya, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sa datos ng ahensya, pumalo sa 425,890 vehicles ang dumaan sa EDSA, mas mataas sa 405,822 na naitala noong 2019.
Sa kabila ng pagtaas, ipinagmalaki ni MMDA Acting Chairman Romando Artes ang mas maayos na daloy ng trapiko sa EDSA dahil sa mas mabilis na travel time ng mga sasakyan.
Noong May 22, 2023, naitala ng ahensya ang 24.98 kilometers per hour, na mas mabilis kumpara sa 21.67kph noong January 2020 bago ang pagtama ng COVID-19 sa bansa.
Samantala, bumaba rin ang bilang ng mga aksidente na sangkot ang mga motorsiklo sa Commonwealth Ave. sa Quezon City dahil sa pagpapatupad ng motorcycle lanes.