dzme1530.ph

Bilang ng mga Pinoy sa Gaza na nais magpa-repatriate, nabawasan!

Mula sa mahigit 100, 46 na lamang na Pilipino na nasa Gaza ang desididong tumawid ng Rafah border para lumikas sa Egypt, sa gitna ng nagpapatuloy na digmaan ng Israel at Hamas militants, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Ipinaliwanag ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na 115 Filipinos ang unang nagsabi na nais nilang tumawid ng Rafah border, subalit ilan sa kanila ang umatras nang malaman na hindi nila makakasama ang kanilang Palestinian na mga kaanak o asawa paglabas nila ng Gaza.

Sinabi ni de Vega na dati ay maraming Pinoy ang gustong tumawid subalit ngayon ay nabawasan na.

Sa kabila naman nito ay patuloy ang panghihikayat ng mga opisyal ng pamahalaan sa mga Pilipinong naiipit sa giyera na lumikas na para sa kanilang kaligtasan. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author