dzme1530.ph

Bilang ng mga Pinoy na nasawi sa Maui Wildfires, nadagdagan pa

Pumalo na sa walo ang bilang ng mga Pinoy na nasawi sa malawakang wildfire sa Maui Island sa Hawaii.

Kinumpirma ng Federal Bureau of Investigation (FBI) na nag-match ang DNA samples sa labi ng biktimang si Rogelio Mabalot, 68-anyos, na taga-Laoag City, at isa pang lalaki.

kinilala ang iba pang Pinoy na nasawi na sina Salvador Coloma, 77 years old; Carlo Tobias, 54; Rodolfo Rocutan, 76; Conchita Sagudang; Danilo Sagudang, 55; at Alfredo Galinato, 79 na taong gulang.

Nabatid na nasa 1,000 indibidwal pa rin ang patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad, 1,000 gusali’t mga bahay ang nasunog, habang umabot na sa 115 ang casualties ng Aug. 8 wildfires sa Lahaina.

 

About The Author