Halos kalahati ng mga pamilyang Pilipino o 12.5 million families ang itinuturing ang kanilang sarili na mahirap sa ikalawang quarter ng 2023, batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa survey na isinagawa simula June 28 hanggang July 1, 45% ng filipino families ang nagsabing sila ay mahirap, mas mababa kumpara sa 51% o 14 million families na naitala noong Marso.
33% naman ang ikinu-konsidera ang kanilang mga sarili na nasa borderline poor, habang 22% ang nagsabing hindi sila mahirap.
Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,200 respondents mula sa balance Luzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao. —sa panulat ni Lea Soriano