dzme1530.ph

Bilang ng mga naputukan, sumampa na sa 500

Sumampa na sa 500 ang bilang ng mga nasugatan dahil sa paputok.

Ayon sa Department of Health, umabot sa 114 ang bagong kaso ng fireworks related injuries (FWRI) kung saan, ang edad ng mga biktima ay nasa 10 months old hanggang 77.

Na-ospital naman ang 10 biktima dahil sa kanilang mga sugat.

Sa kabuuan, 557 na ang naitalang kaso nasugatan sa kabuuan ng holiday season kung saan 555 ang dahil sa FWRI, isa dahil sa watusi indigestion, at isang nasawi dahil sa ligaw na bala.

About The Author