Hindi pa nangalahati ang bilang ng mga kumpanyang tumalima o nag-comply sa plastic waste management ng Department of Natural Resources (DENR).
Sa datos ng DENR, 16.55% lang o 662 sa halos 4,000 enterprises na nakarehistro sa Department of Trade and Industry (DTI) ang nakapag sumite ng kanilang proper management of plastic packaging waste program.
As of July 2023, 508 lamang sa 662 DTI registered entities ang Producer Responsibility Organizations.
Dahil dito umapela ang kagawaran sa private sector at partner organizations na tumulong sa pagpapakalat ng impormasyon kaugnay sa implementasyon ng Extended Producer Responsibility (EPR) campaign ng DENR na may layong ma-manage ng ayos ang plastic packaging waste ng isang establisyimento.
Nabatid na target ng DENR na makamit ng bansa ang kahit 80% recovery sa generated waste sa taong 2028. —sa panulat ni Jam Tarrayo