dzme1530.ph

Bilang ng mga consolidated jeepney at UV Express unit, nasa 76% lamang

Nasa 76% lamang ang bilang ng mga Consolidated Public Utility Jeepney at UV Express Unit para sa Public Utility Vehicle Modernization Program.

Sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board  (LTFRB) Board Memder Riza Marie Paches na ito ay bunsod ng 82% consolidation rate ng UV Express Units habang 73% naman ang sa jeepney.

Nabatid na itinakda ang deadline ng consolidation noong December 31, 2023 kung saan, ang mga bigong makipag-consolidate ay hindi na pahihintulutang bumyahe sa mga consolidated route at maaari lamang silang bumyahe sa mga rutang hindi pa nako-consolidate ng LTFRB.

About The Author