Patuloy na tumataas ang bilang ng mga batang nagtatrabaho sa bansa, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa datos ng ahensya, sa 31.71 million na bata, 5 hanggang 17-taong gulang, ay 1.48 million o 4.7% ang nagtatrabaho noong 2022.
Mas mataas ito kumpara sa 4.3% o 1.37 million working children noong 2021.
49.5% sa nasabing bilang ang employed sa service sector, 43.2% ang nasa agriculture sector, at 7.3% ang nasa industry sector.
Kaugnay nito, tinataya namang aabot sa 828,000 ang bilang ng mga batang nagtatrabaho at itinuturing nakikibahagi sa Child labor noong 2022, mas mababa kumpara sa 935,000 na naitala noong 2021.
Samantala, 66.2% ng Child laborers sa bansa ay mga lalaki habang 33.8% naman ang mga babae. —sa panulat ni Airiam Sancho