Umabot na sa 263 indibidwal ang nakaranas ng mild to moderate respiratory distress dahil sa volcanic smog o vog mula sa bulkang Taal, ayon sa Office of the Civil Defense.
Paliwanag ng DOST-PHIVOLCS, ang vog ay binubuo ng pinong patak na naglalaman ng volcanic gas tulad ng sulfur dioxide at maaaring magdulot ng iritasyon sa mata, lalamunan at respiratory tract.
Dahil dito iginiit ni NDRRMC Usec. Ariel Nepomuceno sa publiko na gumamit ng N95 facemask o gas mask sakaling hindi maiwasang lumabas ng bahay, palagiang uminom ng tubig, at magpakonsulta agad sa doktor kung may kakaibang nararamdaman.
Nakahanda rin aniya ang tulong mula sa pamahalaan katulad ng pagdaragdag sa supplies ng N95 face mask ng local government ng CALABARZON.