dzme1530.ph

Bilang ng Election Areas of Concern na nasa Red Category, lumobo na sa mahigit 300

Nadagdagan pa ang bilang ng Election Areas of Concern na nasa ilalim ng Red Category.

Ayon kay PNP Spokesperson P/Col. Jean Fajardo, as of Oct. 5, umakyat na sa 357 ang election areas of concern sa ilalim ng red category mula sa 240.

Sinabi ni Fajardo na ang mga lugar na nasa ilalim ng red category ay maaring ilagay sa kontrol ng COMELEC depende sa pagpapasya ng poll body.

70% aniya ng mga naturang lugar ay matatagpuan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Samantala, inihayag din ni Fajardo na 1,323 areas ang nasa ilalim naman ng Orange Category habang 1,231 areas ang nasa ilalim ng Yellow Category. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author