Pumalo na sa mahigit 50,000 ang dengue cases sa buong bansa, na 30% mataas sa naitalang bilang noong nakaraang taon.
Sa tala ng Department of Health (DOH) aabot sa 51, 323 ang dengue cases mula nagsimula ang taon hanggang Mayo a-20 na mas mataas sa 39, 620 na naiulat sa kaparehong panahon noong isang taon.
Tumaas din ang kaso ng dengue sa NCR matapos makapagtala ng 5, 726 cases.
Ayon sa kagawaran, karaniwang dinadapuan ng naturang sakit ay mga batang edad lima hanggang siyam.
Samantala, bumaba naman ang bilang ng mga nasawi dahil sa dengue matapos makapagtala ng 176 kumpara sa 212 noong 2022.