May 60 pasyenteng naka-admit sa Philippine General Hospital dahil sa COVID-19.
Ayon kay PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario, unti-unti na namang tumataas ang bilang ng mga pasyenteng may COVID-19 na ina-admit sa kanilang ospital.
Aniya, noong nakaraang linggo ay wala pang 10 ang COVID-19 patients na naka-admit sa PGH subalit nang i-check niya ang census ngayon ay umabot na ito sa 60.
Sinabi ni del Rosario na karamihan sa COVID-19 cases ay mayroong comorbidities, at marami rin ang vaccinated pero walang booster habang mayroon ding mga hindi bakunado.
Tiniyak ni del Rosario na handa sila na i-convert ang ilang hospital beds para maging COVID-19 beds sakaling madagdagan pa ang mga pasyenteng i-a-admit. —sa panulat ni Lea Soriano