dzme1530.ph

Biktima ng human trafficking, nakauwi sa bansa makaraang magbayad sa kumpanya ng P200-K

Isang biktima ng human trafficking ang nakauwi sa bansa makaraang magbayad sa kanyang kumpanya ng P200,000 kapalit ng kanyang paglaya, ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Kinilala ang biktima sa pangalang “Gio,” 33-anyos na napilitang magtrabaho bilang scammer para sa isang Chinese company sa Myanmar.

Ayon sa BI, nakauwi lamang sa bansa ang biktima matapos makakalap ang kanyang pamilya at mga kaibigan ng P200-K na kanilang ibinayad sa kumpanya.

Batay sa salaysay ni gio, inamin niya na nagtungo siya sa Thailand para magtrabaho bilang Customer Service Representative subalit inilipat siya sa Myanmar kung saan pwersahan siyang pinagtrabaho bilang online love scammer na humihikayat sa mga dayuhang biktima na mag-invest sa mga pekeng cyrptocurrency accounts. —sa panulat ni Lea Soriano

 

About The Author