dzme1530.ph

Bigtime Oil price hike, umarangkada na naman ngayong Martes

Matapos ang baryang rollback sa presyo ng oil products noong nakaraang Martes, malakihang taas-presyo na naman ang sumalubong sa mga motorista ngayong araw.

P1.60 ang itinaas sa kada litro ng gasolina habang P1.10 sa diesel.

Tumaas din ng P1.05 ang kada litro ng kerosene o gaas.

Kumpara ito sa price rollback noong nakaraang Martes na P0.60 sa gasolina, P0.10 sa diesel, at P0.40 sa kerosene.

About The Author