Epektibo na ngayong araw, August 8, ang ipinatupad na malakihang oil price hike ng mga kumpaniya ng langis.
Kung saan, P4.00 ang dagdag-presyo sa kada litro ng diesel habang P0.50 sa gasolina.
P2.75 naman ang idinagdag sa kada litro ng kerosene o gaas.
Ito na ang ika-5 sunod na linggo na nagpatupad ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo.