Nagbabadya nanamang tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa oil trading noong nakalipas na apat na araw, posibleng sumirit sa P3.40 hanggang P3.60 kada litro ang dagdag-presyo sa diesel.
P2.45 hanggang P2.65 kada litro naman ang posibleng taas-presyo sa kerosene, habang P0.15 hanggang P0.35 sa kada litro ng gasolina.
Iniuugnay ang big-time oil price hike sa hakbang ng Saudi Arabia na palawigin ang production cut ng 1 million barrels per day, na aabutin hanggang Setyembre.
Samantala, ini-aanunsyo ng oil companies ang price adjustments tuwing Lunes, at ipinapatupad naman sa kasunod na araw o tuwing Martes. —sa panulat ni Airiam Sancho