Nakatakdang magpatupad ng malakihang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas, June 18.
Batay sa pagtaya ng oil industry players, maaaring umabot sa P1.60 centavos hanggang P1.80 centavos ang madaragdag sa presyo ng kada litro ng diesel.
P0.70 centavos hanggang P0.90 centavos naman ang taas-presyo sa kada litro ng gasolina.
Habang may P1.80 centavos hanggang P1.90 centavos namang dagdag-presyo sa kada litro ng kerosene.
Ang nagbabadyang oil price hike ay bunsod umano ng pagmahal ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.