dzme1530.ph

Bidding para sa 5.2M pcs ng plastic card, sisimulan sa May 24 —LTO

Bubuksan na ng Land Transportation Office (LTO) ang bidding para sa P240-M contract ng mga plastic card na gagamitin sa driver’s license.

Ayon kay LTO chief Jose Arturo Tugade, sisimulan na sa May 24 ang bidding para sa 5.2 million na piraso ng plastic card at inaasahang maide-deliver sa July 2023.

Base sa datos ng LTO hanggang May 2, mayroon silang 234,149 na driver’s license backlog kung saan nasa 172 mula sa 350 sa kanilang tanggapan ang wala ng plastic card para sa driver’s license.

dahil dito humirit ang LTO sa pamahalaan na taasan ang kanilang buffer stock ng plastic card para maiwasang maulit ang aberya.

Gayunman, tiniyak ni Tugade na nakikipag-ugnayan na sila sa DICT para sa pagkakaroon ng digital driver’s license matapos batikusin ng publiko ang ibinibigay nilang de-papel na temporary driver’s license. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author