Niratipikahan na ng Senado ang Bicameral Committee Report kaugnay sa panukalang nag-aamyenda sa batas na nagtatakda ng fixed term sa mga opsiyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa na-aprubahang bersyon ng Senate Bill 1849 at House Bill 6517, itinaas sa 57 years old ang retirement age ng mga miyembro ng AFP.
Ayon kay Senate Committee on National Defense Chairman Jinggoy Estrada, ginawa ito para ma-maximize ang training at pagpapaaral ng gobyerno sa mga tauhan ng militar.
Sa kasalukuyan anya na retirement age na 56 marami sa mga sundalo ang lumilipat lang sa pribadong sektor matapos magretiro dahil kaya pa naman nilang magtrabaho.
Lahat ng mga kawani ng AFP ay imamandatong magretiro sa edad sa 57, maliban na lamang sa AFP Chief of Staff.
Ang pinakapinuno ng AFP, o ang Chief of Staff, ay magkakaroon ng maximum tour of duty na tatlong taon maliban na lang kung aalisin ito ng mas maaga ng Pangulo ng bansa.