dzme1530.ph

BFAR, DENR, dapat patunayang ligtas nang kainin ang huling isda sa karagatan ng MIMAROPA

Hinamon ni Cavite Cong. Elpidio “Pidi” Barzaga, Jr. ang mga opisyal ng BFAR at DENR na kumain ng huling isda mula sa karagatan ng MIMAROPA na naapektuhan ng oil spill.

Ginawa ni Barzaga ang hamon sa hearing ng Committee on Natural Resources at Ecology sa paglubog ng MT Princess Empress, kasabay ng pahayag ng BFAR na lifted na ang fishing bansa ilang munisipalidad ng Oriental Mindoro.

Base sa testimonya ni Councilor Mike Malaluan ng Bongabong, Oriental Mindoro, sinubok nilang ipakain sa aso ang huling isda mula sa lugar na hindi pa nasuri ang water sample, at kalaunan ay namatay ang aso.

Punto ni Barzaga, dapat patunayan ng mga opisyal na ligtas ngang kainin ang mga huling isda sa baybayin ng Oriental Mindoro sa pamamagitan ng pagkain nito.

Inihalimbawa nito sina Cavite Gov. Jonvic Remulla na ipinapakita sa publiko ang pagkain ng tahong sa tuwing may deklarasyon ng red tide, at si Cebu Gov. Gwendolyn Garcia na kumain ng karneng baboy para patunayang ligtas ito sa ASF. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author