Maraming nutrisyon ang nakukuha sa pagkain ng sardinas gaya ng protina, Vitamin B-12, D, Selenium, Calcium, at OMEGA-3 fatty acids.
Natuklasang sa isang pag-aaral na ang regular na pagkunsumo ng sardinas ay nakapagpapababa ng cholesterol at blood pressure, at mainam upang hindi magkaroon ng sakit sa puso.
Sa paliwanag, ang OMEGA-3 fatty acids ay nakatutulong upang maiwasan ang blood clots at inflammation o pamamaga.
Kaya payo ng mga eksperto, ugaliin ang pagkain ng sardinas, subalit hinay-hinay lang din dahil mataas ito sa sodium. —sa panulat ni Airiam Sancho