Hindi lamang sikat na pampaasim ng sabaw at iba pang mga putahe ang bunga ng sampalok o tamarind dahil naglalaman ito ng maraming bitamina at mineral na makatutulong upang maging malusog ang ating katawan.
Kabilang dito ang, Vitamin B1, B3, Potassium, Magnesium, Folate at iba pa.
Ayon sa mga eksperto, mabisang panlaban ang sampalok sa anemia o iyong pagiging kulang sa dugo na nagdudulot ng panghihina dahil mayaman ito sa Iron.
Magagamit din ang pinakuluang dahon ng puno nito bilang gamot sa lagnat, sipon, at mga impeksyon.
Mabisa rin ang prutas na ito bilang panlinis ng liver o liver detoxifier, at pangontra sa para sa may problema sa pagdumi.