dzme1530.ph

Benepisyo ng pagsasayaw, alamin!

Maraming puwedeng ipakahulugan sa pagsasayaw gaya ng expression of art, representation of culture, at great form of exercise.

Ayon sa Paris-based International Sports Sciences Association, “dancing is the ultimate workout.”

Katulad ng ibang aerobic exercise, nakatutulong ang pagsasayaw sa pag-improve ng cardiovascular function, at dahil kailangan ng balanse sa pagsasayaw, nakapagbibigay ito ng core strength na nakatutulong sa pagkakaroon ng good posture at maiwasan ang muscle injuries at back pain.

Itinuturing din na great calorie burner ang pagsasayaw kaya naman nakatutulong ito sa mga nais magpababa ng timbang. sa pamamagitan din nito ay name-maintain ang bone density upang maiwasan ang osteoporosis.

Lumitaw din sa pag-aaral na nakatutulong ang pagsasayaw para mabawasan ang anxiety, nagpapataas ng self-esteem, nagpapabuti sa psychological well-being.

About The Author