dzme1530.ph

Benepisyo ng pagkain ng bagoong sa kalusugan, alamin!

Ang bagoong o shrimp paste ay isa sa itinuturing na exotic ingredients sa oriental cuisine.

Ang fermented condiment na ito ay gawa sa maliliit na isda at hipon na kilalang may hindi kaaya-ayang amoy subalit may masarap na lasa.

Taglay ng bagoong ang selenium, Vitamin B12, at Antioxidant na Astaxanthin.

Maliban dito, mayroon itong Vitamin D at phosphorus na mainam sa kalusugan ng buto upang maiwasan ang pagkakaroon ng osteoporosis at bone fractures.

Maganda rin ang pagkain ng bagoong sa brain health dahil sa Vit. B 12 at Omega -3 Fatty Acids na nagtataguyod sa maayos na paggana ng utak.

Naibibigay din ng bagoong ang tryptophan na nakapagpapaganda ng mood dahil sa nailalabas nito ang serotonine o happy hormone.

Ngunit paalala pa rin na huwag lalabis sa pagkunsumo ng bagoong dahil mataas ito sa sodium o asin. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author