dzme1530.ph

Benepisyo ng Fish oil sa katawan, alamin!

Ang fish oil ay isa sa most commonly consumed dietary supplements dahil mayaman ito sa OMEGA-3 Fatty Acids na napakahalaga para sa kalusugan.

Kung hindi ka palakain ng mga mamantikang isda, makatutulong ang pag-inom ng fish oil supplement para magkaroon ng sapat na OMEGA-3 Fatty Acids.

Nakatutulong ang fish oil sa kalusugan ng puso dahil napagaganda nito ang cholesterol levels, napabababa ang triglycerides at blood pressure at napipigilan ang plaques na nagdudulot ng pagtigas ng arteries.

Essential din para sa typical brain function ang OMEGA-3 dahil ang utak ay halos 60% fat, at karamihan sa fat na ito ay OMEGA-3 Fatty Acids.

Sa ilang pag-aaral, sinasabing ang mga tao na may mental health conditions ay mababa ang omega-3 blood levels at gaya ng utak, ang mga mata ay nagre-rely sa OMEGA-3 fats.

Ayon sa pagsasaliksik, ang mga taong kulang sa OMEGA-3 ay mataas ang tsansa na magkaroon ng eye diseases. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author