Madalas sabawan o gawing stir- fry ang baby corn o young corn na may malutong na texture.
Taglay nito ang folate, fiber, calcium, zinc, iron, Vit. A, B, at C na nakatutulong upang mapalakas ang ating kalusugan.
Sa ½ cup ng baby corn, makukuha ang 12.5% na Vit. C na kailangan ng katawan sa isang araw.
Mahalaga din ito para sa collagen synthesis upang mapanatili ang elasticity at magandang kutis o balat.
Mainam din ang pagkain ng young corn upang mapabuti ang kalusugan ng ating mga mata, puso, at digestion. –— sa panulat ni Airiam Sancho, DZME News