![]()
Sa pagsusuri sa halos 2,000 individuals sa loob ng pitong taon, natuklasan na mas mapanganib sa puso ang taba sa beywang o visceral fat kaysa sa kabuuang timbang o body mass index.
Sa isinagawang pag-aaral, ang belly fat ay direktang nauugnay sa heart failure, kahit pa “normal” ang timbang ng isang tao.
Ang taba sa tiyan ay nagdudulot ng inflammation o pamamaga na siyang sumisira sa mga daluyan ng dugo at sa puso.
Ayon sa mga eksperto, dapat gawing prayoridad ang pagsukat sa beywang sa halip na BMI lamang.
Ang balanseng diyeta at regular na ehersisyo ang pinakamabisang paraan upang mabawasan ang belly fat at mapangalagaan ang kalusugan ng puso.
