dzme1530.ph

Pagkonsumo ng beer sa buong mundo, tumaas ng 4%

Tumaas ang pagkonsumo ng beer sa buong mundo noong 2021.

Sa datos na nakalap ng Kirin Holdings Co., umabot sa 185.60 million kiloliter ng Beer ang nakonsumo noong nakaraang taon, mas mataas ng 4% noong 2020.

Nanguna ang China sa may pinakamaraming nakonsumong Beer na umabot sa 38.09 million kiloliters, sumunod ang Estados Unidos at Brazil.

Sa Continent Category, pinakamataas ang beer consumption sa Asya, at sumunod ang Europa.

Inaasahang patuloy na makababawi ang Beer Industry sa harap ng muling pagsigla ng mga negosyo at restaurants, at pagtatanggal ng mga Lockdown at Liquor Ban.

About The Author