dzme1530.ph

Beauty Queen na si Venus Raj, ikinasal na sa kaniyang non-showbiz fiancé

“Today is the day that the Lord has made 2.12.23”

Ito ang caption ng ibinahaging pre-nup video ni Miss Universe 2010 4th runner-up Venus Raj, sa kaniyang official Instagram account.

Itinuring na isang “major-major” event ang Dec. 2 para sa beauty queen, araw kung kailan sila nag-isang dibdib ng kaniyang non-showbiz boyfriend na si North Orillan.

Matatandaang ginulat ni Venus ang kaniyang mga fans na ikakasal na ito gayong hindi naman ito vocal sa kaniyang love life at tahimik lamang ito sa loob ng 8-taon. —sa panulat ni Fremie Belamala

About The Author