dzme1530.ph

Bea Alonzo, nilinaw na hindi pa sila engaged ni Dominic Roque

Pinatahimik ni Bea Alonzo ang usap-usapan na umano’y engaged na sila ng boyfriend na si Dominic Roque, kasabay ng pagbibigay diin na hindi pa siya sinusuotan ng singsing ng aktor.

Lumutang ang mga espekulasyon na engaged na ang magkasintahan nang ibahagi ni Dominic sa Instagram ang litrato nila ni Bea sa isang romantic getaway nila sa Amanpulo.

Nilinaw ng aktres na mahilig lang talagang mag-share ng throwback photos sa social media ang kanyang boyfriend.

Bagaman hindi pa engaged, una nang ibinunyag ng showbiz writer at talent manager na si Ogie Diaz noong October 2022 sa isang vlog, na sinabi ni Dominic na si Bea na ang kanyang pakakasalan.—sa panulat ni Lea Soriano

About The Author