Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Bayan ng Bansud sa Oriental Mindoro kaninang ala-1:38 ng madaling araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang episentro ng lindol sa layong 12 kilometro hilangang-kanluran ng Bansud.
May lalim ang lindol na 1 kilometro at tectonic ang origin nito.
Naramdaman ang Intensity V sa pinamalayan, Oriental Mindoro; habang Intensity IV sa Bansud, at Gloria, Oriental Mindoro.
Ayon sa PHIVOLCS, asahan ang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.