dzme1530.ph

Bawas-singil sa kuryente sa buwan ng Hulyo, posible —MERALCO

Asahan na ang mababang singil sa kuryente sa buwan ng Hulyo.

Ayon kay MERALCO Regulatory Affairs Head Ronald Valles, ito’y dahil sa pagtatapos ng tag-init at pagbaba ng presyo ng panggatong na coal sa merkado.

Ani Valles kung iku-kumpara nitong mga nakaraang buwan, bumaba rin ang presyo ng kuryente sa spot market o tinatawag na Wholesale Electricity Spot Market (WESM)

Kaugnay nito, mayroon ring inaasahang malaking bawas presyo sa kuryente gamit ang Liquefied Natural Gas (LNG) na nakapaloob sa panukalang batas ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda.

About The Author