Naka-ambang magkaroon ng bawas-singil sa kuryente ngayong Agosto.
Ayon sa Manila Electric Company (MERALCO), ito’y bunsod ng mababang generation cost at demand, at mahinang palitan ng piso.
Tiwala rin ang power distributor na sapat ang mga nasabing dahilan upang matapyasan ang singil sa kuryente ngayong buwan.
Noong Hulyo, matatandaang nabawasan ang electricity rate ng mahigit P0.72 per kilowatt-hour kung kaya’t bumaba ito sa higit P11.18 per kwh mula sa P11.91 per kwh. —sa panulat ni Airiam Sancho