Mas mababang presyo ng produktong petrolyo ang bumungad sa mga motorista, ngayong unang Martes ng 2024.
P0.35 ang tinapyas ng mga kumpanya ng langis sa kada litro ng diesel habang P0.10 sa gasolina.
P1.40 naman ang ibinawas sa kada litro ng kerosene o gaas.
Samantala, epektibo simula kahapon ang mahigit P3.00 taas-presyo naman sa kasa kilo ng liquefied petroleum gas (LPG). —sa panulat ni Lea Soriano