dzme1530.ph

Batas para sa income classification, lalo pang magpapalago ng ekonomiya

Kumpiyansa si Sen. JV Ejercito na lalo pang lalago ang ekonomiya at gaganda ang lokal na awtonomiya dahil sa bagong batas para sa automatic income classification of local government units (LGUs)

Ito’y makaraang lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act. No. 11964 o “Automatic Income Classification of Local Government Units Act,” na naglalayong magtakda ng income threshold para sa mga lalawigan, lungsod at munisipalidad at bigyan ng kapangyarihan ang Secretary of Finance na regular na mag-reclassify ng LGUs at rebisahin ang income ranges.

Ayon kay Ejercito, ang bagong batas na ito ay magsisilbing gabay sa national government sa mahusay na paglaan ng kanilang resources para sa kompensasyon ng local government personnel at ng distribusyon ng financial grants sa LGUs.

Sa ilalim ng batas, ang isang LGU ay hindi ire-reclassify sa isang mababang kategorya maliban na lang kung ang income o kita nito ay bumaba sa bagong hanay sa susunod na reclassification. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author